Mga Feature
Mga Feature ng Torrent Client na µTorrent Classic
I-download nang maramihan ang mga torrent
Nagbibigay-daan ang µTorrent Classic sa sabay-sabay na pag-download ng torrent na mapapamahalaan mo sa iisang lokasyon.
I-optimize ang iyong bandwidth
Awtomatikong isinasaayos ng µTorrent Classic ang paggamit ng bandwidth, batay sa iyong koneksyon sa network at internet, para matiyak ang mabibilis na pag-download.
Iiskedyul ang iyong torrents
Itakda ang araw at oras kung kailan sisimulan, ihihinto, o kung kailan mo gustong i-seed ang iyong mga pag-download ng torrent.
Remote na kumonekta sa µTorrent Classic
Remote na magdagdag ng torrents sa µTorrent Classic, mula man sa µTorrent Android o sa anumang web browser.
Awtomatikong i-shut down ang app kapag tapos na
Umalis sa µTorrent Classic o i-reboot o i-shut down ang iyong computer kapag kumpleto na ang torrents mo.
I-customize ang interface
I-set up ang µTorrent Classic gamit ang iyong mga gustong opsyon sa display at kung paano ito kumikilos sa iyong desktop.
I-download mula sa RSS
I-set up ang µTorrent para awtomatikong mag-download mula sa RSS, ng lahat man ng pamagat sa feed o ng mga partikular na pamagat.
Sinusuportahan ang Windows XP at mas bago
Ang µTorrent Classic ang pinakaangkop na torrent client para sa Windows 10 pero sinusuportahan din nito ang XP, Vista, at Windows 7 at 8.
Ihambing
Paghambingin ang mga Bersyon ng µTorrent Classic
para sa Classic
para sa Classic
Matuto pa ang tungkol sa mga premium na produktong µTorrent Classic.
FAQ
Mga Madalas na Itanong Tungkol sa µTorrent Classic
Ano ang dahilan kung bakit µTorrent Classic ang pinakasikat na torrent client?
Inilunsad ni Ludvig Strigeus mahigit isang dekada na ang nakalilipas, sumikat ang µTorrent (kilala rin bilang micro torrent) dahil sa maliit na laki ng file at sa maliit na footprint ng memory na kinakailangan nito para mapatakbo sa Windows. Simulan noon, patuloy na pinauunlad ang µTorrent para makapagbigay ng mahusay na hanay ng feature na perpektong naaakma para sa pag-automate ng mga pag-download ng torrent, pamamahala ng paggamit ng bandwith at data, pag-customize sa interface at higit pa. Ideal para sa mga sanay na user, ito ang pinakamahusay na torrent client para sa Windows 10 at sinusuportahan nito ang mga bersyon ng Windows mula sa XP, Vista, 7 at 8.
Hindi ako makapili kung µTorrent Classic o µTorrent Web. Puwede mo ba akong tulungang pumili?
Ang µTorrent Classic ay isang torrent client na para sa desktop na puno ng mga feature para mabigyang-daan ang parehong pag-automate ng pag-download at remote na pagkonekta sa iyong torrent client mula sa kahit saan sa mundo. Ito ang ideal kung madalas kang magda-download ng iba't ibang uri ng mga file, dahil makakatulong ang mga feature sa pag-automate sa pag-streamline sa proseso. Gayundin, ang µTorrent Classic ay isang torrent client na maa-access mo nang remote anumang oras, mula sa kahit saan sa mundo, basta't naka-on ang iyong computer sa bahay at tumatakbo ang µTorrent Classic. Mas ideal ang torrent client para sa mga sanay na user dahil sa iba't ibang opsyon sa pag-customize, gayunpaman, perpekto pa rin itong naaangkop para sa mga nagsisimula pa lang. Dahil maayos namang gumagana ang mga karaniwang setting, puwede ka pa ring mag-download ng torrents nang hindi kinakailangang i-set up o i-configure ang software.
Kung video o audio ang mga file na ida-download mo, at gusto mong ma-play ang mga ito habang dina-download, pinakamagandang piliin ang µTorrent Web. Hindi katulad ng µTorrent Classic, na isang torrent client para sa desktop, ang µTorrent Web ay isang online na torrent downloader na ini-install sa iyong paboritong web browser. Nagtatampok sa interface ng mahusay na media player na puwedeng mag-play halos kaagad ng iyong mga file, habang dina-download ang mga ito, o puwede mong i-play ang mga ito kapag offline ka. Maraming bentahe ang online na torrent downloader kumpara sa µTorrent Classic na software para sa desktop, kabilang ang mas simpleng interface, mas kaunting setting, at isang karanasang mas mahusay na naka-integrate sa iyong online na pag-browse.